Anim na letra na ang dali - daling intindihin pero ang hirap gawin
ang hirap gawin dahil di ko kaya diko kaya na kalimutan ka kasi ikaw yung una
yung unang taong nagparamdam na akoy espesyal na akoy naiiba na akoy mahalaga kayat minahal kita ng sobra
Minahal kita ng sobra kasi akala ko ikaw na ikaw na yung the one pero nagkamali ako sapagkat akoy iyong iniwan
Sana di mo nalang ako pinasaya sana di na lang kita nakilala at sana di ka na lang dumating para di na ako umasa
Di na ko umasa sa mga bagay na pinangako mo na ikaw lang at ako hanggang dulo
Sabi mo ako lang ang mamahalin mo sa tuwing sinabi mo ang salitang i love you
Alam mo bang pinanghawakan ko lahat ng pangako mo pero ang daya mo
Dahil ngayun iba na ang kapiling mo
Sana pala nong una pa lang di na ko umasa di na ko umasa sa mga bagay na pinangarap kong kasama ka
Kasi ang sakit isipin na pinangarap kong habang buhay ikaw lang ang mamahalin
At higit sa lahat umasa ko sa pangako mo na akoy iyong hihintayin sa may altar habang nakasuot ng puting bestida at ikaw ang lalaking bida sapagkat sabi mo tayong dalawa ang para sa isat isa
Ang sakit isipin sapagkat ikaw ay di na akin lahat ng pangarap natin naglaho na naglaho na na parang bang bula
Sobrang sakit kasi kahit sabihin ng isip kong dapat kalimutan ka na
Paulit ulit nmn sinabi ng puso ko na wag dahil mahal pa rin kita.
Ewan ko ba siguro ganun talaga di mo lang siguro nakita yung tunay kong halaga
Teka kasalanan ko ba dahil akoy nagmahal ng sobra
O kasalanan mo dahil akoy iyong binasura
Pinaniwala mo ko sa mga kasinungalingan at ako naman di nag alinlangan
Na mahalin ka kaagad kasi akala totoo ang lahat
Ang lahat ng yung pinakita di ko inasahan na mawawala lang pala sa isang kisap mata sapagkat mas pinili mo siya.
Ngunit wag kang mag alala sapagkat hahayaan na kita pangako ito na yung huli
Di na kita gagambalain pang muli paalam na aking sinta naway ikay maging masaya hindi sa piling ko kundi sa piling niya.
Comments