Skip to main content

BREAK - UP


Simpleng salita na di ko alam nong una ngunit ng makilala kita

Di mo lang itinuro ipinaramdam mo pa ang sakit pala? 

Ngayun alam ko na. 

Akala ko kasi simple lang kasi nong una ang saya

Ang saya sa pakiramdam na  para bang wala ng wakas kasi pagmamahalan natin ay wagas. 

Palagi kang andyan kapag kailangan kita tandang tanda ko pa  ang iyong mukha kapag 

Paulit ulit mong binigbigkas ang salitang mahal kita pero bakit ngayon may mahal ka ng iba.

May nagawa ba kong mali sinaktan ba kita diba hindi?

Kasi akala ko ikaw na. Ikaw na yung taong mamahalin ako ng tapat pero di pala ako naging sapat.

Akala ko ikaw na yung taong sasamahan ako hanggang  pagtanda ngunit iniwan mo lang ako at di ako naging handa. 

Kayat sobrang sakit. 

Sobrang sakit  nong sinabi mo na ayaw mo na dahil may mahal ka ng iba ayaw mo na kasi pagod ka na. 

Ayaw  kong tanggapin  kasi  pinanghawakan ko yung mga pangako mo na ako lang ang yung  mamahalin

Ayaw kong  tanggapin kasi pakiramdam ko di ko kaya di  ko kaya na mawala ka at lalong di ko kaya  na  kalimutan ka kasi andito ka pa 

Andito ka pa sa puso ko at ikaw lang ang nag iisa. 

Alam mo bang sobra akong umaasa kasi hanggang ngayun patuloy kong tinatanong ang tadhana baka may pag asa pa? 

Ngunit wala dahil ikaw na ang nagpasya at mas pinili mo siya. 

siguro ganun talaga kung di ka para sakin di ko pwedeng angkinin. 

Siguro panahon na rin  para maunawaan ko ang salitang ayoko na tama na mag move on kana. 

Kahit mahirap kailangan kung  gawin kahit mahal pa rin kita kailangan kong pilitin. 

Siguro hanggang dito na lang hanggang dito na lang ang lahat basta lagi kang mag iingat kasi kahit papano minsan na rin tayong nangarap. 

Nangarap  tayo na  hanggang sa  huli  tayo ang magkasama pero ngayun may kapiling ka ng iba. Kayat paalam na. 

Paalam na aking Sinta. 


GianOwnSpokenPoetry. 


Comments

Popular posts from this blog

Move On

Anim na letra na ang dali - daling intindihin pero ang hirap gawin ang hirap gawin dahil di  ko kaya diko kaya na  kalimutan ka kasi ikaw yung una  yung unang taong nagparamdam na akoy espesyal na akoy naiiba na akoy mahalaga kayat minahal kita ng sobra  Minahal kita ng sobra kasi akala ko ikaw na ikaw na yung the one pero nagkamali ako sapagkat akoy iyong iniwan Sana di mo nalang ako pinasaya sana di na lang kita nakilala at  sana di ka na lang dumating para di na ako umasa Di na ko umasa sa  mga bagay na pinangako mo na ikaw lang at ako hanggang dulo Sabi mo ako lang ang mamahalin mo sa tuwing sinabi mo ang salitang i love you Alam mo bang pinanghawakan ko lahat ng pangako mo pero ang daya mo Dahil ngayun iba na ang kapiling mo  Sana pala nong una  pa lang di na ko  umasa di na ko umasa sa mga bagay na pinangarap kong kasama ka  Kasi ang sakit isipin na pinangarap kong habang buhay ikaw lang ang mamahalin  At higit sa lahat umasa ...